the beehyve

November 05, 2004

 

Batman


Batman

Natagpuan ko si Batman isang beses habang nagpapahinga siya. Napansin kong malungkot siya nun. Malaki ang paghanga ko sa kanya kaya agad ko siyang nilapitan at tinanong kung ano ang kanyang iniisip.

"Ano ba ang problema mo, Batman?"

Napalingon siya bigla sa akin. Pinalitan ng galit ang kanyang lungkot. "Bakla raw ako! Akalain mo ba naman yun?" ang sigaw niya. Mabuti na lang at walang nakarinig sa kanya.

"Ha? Sino nagsabi? Bakit naman nila nasabi yun?" ang sagot ko. Naisip ko rin pagkatapos kung totoo kaya ito.

"Lahat sila sa Justice League!" ang sagot niya sabay tingin sa sahig. "Pinaghihinalaan nila na bading ako dahil lang sa kasama ko palagi si Robin sa Batcave. Ano ba ang masama dun?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Babaero ang pagkakaalala ko sa kanya. Alam kong hindi siya papatol sa kapwa lalaki. "Huwag mo na lang sila pansinin. Alam ko namang inaalagaan mo lang nang mabuti si Robin."

"Buti ka pa, naiintindihan mo ako." ang sagot niya sabay lingon sa akin. Ngumiti siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Bigla akong kinabahan. Agad-agad akong tumakbo papalayo. Lumingon ako at nakita kong nakangiti pa rin siya. Bahala na si Batman.

Comments:
:-|

Lumayo ka muna kay Batman for a while.

-neil
 
"i'm sorry aquaman...i'm just cooking fish!"
~maridess
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

the city
the city at night